Ayon sa mass media ng Singapore noong Martes, Disyembre 29, 2015, upang ibayo pang mabawasan ang paggamit ng sasakyang de motor at mapalaganap ang mas malinis na porma ng pamumuhay, susubukang isasagawa ng Singapore ang plano ng "Car Free Sunday." Ayon sa planong ito, mula ika-28 ng Pebrero, 2016, ipagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang de motor sa ilang lansangan sa paligid ng pamahalaang panlunsod at sentral na distritong komersyal sa huling Linggo ng bawat buwan. Tatagal ng anim (6) na buwan ang naturang plano.
Salin: Li Feng