Sa Hanoi — Gaganapin mula ika-26 hanggang ika-31 ng kasalukuyang buwan ang Ika-13 Pulong ng mga Ministro ng Kapaligiran ng ASEAN para talakayin ang tungkol sa isyung pangkapaligiran sa rehiyong ito.
Bukod dito, tatalakayin at pagtitibayin sa pulong ang pahayag ng ASEAN hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima. Ito ay paghahanda para sa Ika-21 Pulong ng Pagbabago ng Klima ng UN na idaraos sa Paris sa ika-30 ng susunod na buwan.
Dadalo sa pulong ang mga Ministro ng Kapaligiran mula sa Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Salin: Li Feng