Ayon sa Xinhua News Agency, mula ika-18 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan, gaganapin sa Hong Kong Convention and Exhibition Center (HKCEC) ang "Asian Financial Forum 2016." Tatalakayin ng mga kalahok sa porum ang hinggil sa, pangunahin na, mga temang gaya ng pagkakataon ng Tsina, prospek ng ASEAN, at pagsasadaigdig ng RMB. Ang naturang porum ay magkasamang itataguyod ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Komisyon ng Pag-unlad ng Kalakalan ng Hong Kong.
Bukod sa naturang mga mainit na tema, tatalakayin din sa pulong ang tungkol sa pagkakataong dulot ng siyensiya't teknolohiyang pinansiyal, at "One Belt and One Road" initiative.
Salin: Li Feng