Ayon sa Xinhua News Agency, ginanap sa Hong Kong noong Lunes, Disyembre 14,2015 ang Ika-2 ASEAN Development Forum (ADF) na may temang "Pagpapasulong ng Konektibidad sa Pamamagitan ng Pag-uugnayan ng mga NGO, Industriya, at Rehiyon." Dumalo at nagtalumpati sa porum sina Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Leung na napakahigpit ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng ASEAN at Hong Kong. Ang ASEAN aniya ay nagsisilbing ika-2 pinakamalaking cargo trading partner ng Hong Kong.
Nagtalumpati si Leung Chun Ying sa Porum
Idinagdag pa niya na sa kasalukuyan, isinasagawa ng Hong Kong at ASEAN ang talastasan hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan, at tinatayang magkakasundo ang dalawang panig sa loob ng susunod na taon. Puwedeng patingkarin ang papel ng Hong Kong para mapasulong ang kooperasyon sa pagitan ng Chinese mainland at ASEAN, aniya pa.
Salin: Li Feng