Jakarta, Indonesia—Sinabi ni Bambang Prihartono, Transportation Director ng Ministry of National Development Planning ng Indonesia na ang Jakarta-Bandung High Speed Rail ay unang yugto ng high-end transportation system ng Indonesia.
Noong Oktubre, 2015, nilagdaan ng Indonesia at Tsina ang kasunduan para buuin ang magkasanib na kompanya na mamamahala sa konstruksyon at operasyon sa Jakarta-Bandung High Speed Rail.
Idinagdag pa ni Prihartono na makaraang ilatag ang Jakarta-Bandung High Speed Rail, makakarugtong ito ng Cirebon, at sa wakas, pahahabain ito hanggang sa Surabaya.
(File photo) Sina Embahador Xie Feng (una sa kaliwa) at Gng. Rini Soemarno, Ministro sa mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesia habang bumibisita sa mga modelo ng high-speed train ng Tsina, pagkaraan ng pasinaya ng isang may kinalamang eksibisyon. Larawang kinunan 2015, August. (photo courtesy: chinanews.com)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio