Ipinahayag Huwebes, Enero 7, 2016 ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika na ang diyalogo ay ang tanging paraan para malutas ang isyung nuklear sa Peninsula ng Korea.
Sinabi ni Cui na kasalukuyang sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig ang bagong round ng nuclear bomb test ng Hilagang Korea. Aniya, nagpalitan ng kuru-kuro ang Amerika at Tsina hinggil sa isyung ito. Ipinahayag aniya ng dalawang panig na patuloy na pahihigpitin ang koordinasyon sa isyung ito.
Ipinahayag din ni Cui na magsisikap ang Tsina, kasama ng mga may-kinalamang panig, para pasulungin ang pagdaraos ng Six Party Talks.
Ipinalalagay ni Cui na nagkakaiba ang pagkabahala ng ibat-ibang panig sa isyung nuklear ng H.Korea, kaya, nagkakaiba ang kani-kanilang target na inaasahang marating sa talastasan. Ito aniya'y pinakamalaking hadlang sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks.