Ipinalabas noong Huwebes, Enero 14, 2016, ng Unyong Europeo (EU) ang mahigpit na pagkondena sa insidente ng pagsabog na naganap nang araw ring iyon sa Jarkata, kabisera ng Indonesia. Binigyang-diin nitong ang pakikibaka laban sa terorismo ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng buong daigdig.
Ipinahayag din ng EU na buong tatag itong pumapanig sa pamahalaan at mga mamamayang Indones para magkakasamang mabigyang-dagok ang mga marahas na aksyon ng ekstrimismo. Patuloy na makikipagtulungan ang EU sa Indonesia para mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng bansang ito, dagdag pa nito.
Salin: Li Feng