Ayon sa Xinhua News Agency, naganap sa sentrong panlunsod ng Jakarta kaninang umaga, Enero 14, 2016, ang maraming insidente ng pagsabog, at nagpalitan ng putok ang panig pulisya at armadong tauhan.
Sa kasalukuyan, nablokeyo na ang MH Thamrin, purok na pinangyarihan ng nasabing pagsabog. Ipinadala rin ng panig pulisya ng Jakarta ang mas maraming pulis sa naturang purok.
Ayon sa panig pulisya ng Indonesia, ikinasawi ang pagsabog ng di-kukulangin sa 6 katao na kinabibilangan ng 3 sibilyan at 3 pulis.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw ang identidad ng mga salarin. Ipinalabas ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang pahayag bilang pagkondena sa nasabing "teroristikong aktibidad," at pakikiramay sa mga biktima.
Salin: Li Feng