Walong (8) taong gulang ang batang lalaking si Dorian Murray. Sa kalahati ng kanyang buhay, nakikipaglaban siya sa rhabdomyosarcoma, isang pediatric cancer. Sa kanyang pinakahuling MRI result, makikitang kumakalat ang cancerous cells sa kanyang spinal cord at utak. Wala nang magagawa ang mga doktor upang hadlangan ang paglala ng sakit.
Ipinaalam ng ama kay Dorian ang tunay niyang kalagayan, at pinapili siya kung ipagpapatuloy o hindi ang paggamot. Madaling nagdesisyon si Dorian—ititigil ang paggamot.
1 2 3 4