Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsai Ing-wen, naihalal biang bagong Punong Awtoridad ng Taiwan

(GMT+08:00) 2016-01-17 13:04:30       CRI

Ayon sa resulta ng halalan na inilabas kagabi, si Tsai Ing-wen, kandidato ng Democratic Progressive Party (DPP), ang naihalal bilang bagong Punong Awtoridad ng Taiwan.

Nakuha niya ang 6.89 milyong boto na katumbas ng 56.1% ng buong bolyum ng mga boto. Ang kanyang mga kalaban na sina Eric Chu, kandidato ng Kuomintang (KMT); at James Soong, kandidato ng People First Party (PFP), ay magkahiwalay na nakakuha ng 3.81 milyong boto at 1.58 milyong boto.

Pagkatapos mailabas ang resulta ng halalan sa Taiwan, inilabas ng Departamento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga gawain ng Taiwan, at Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Taiwan, ang isang pahayag na nagsasabing dapat pahalagahan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait ang kasalukuyang magandang kalagayan sa rehiyong ito, sa pundasyon ng paggigiit ng 1992 Consensus at paglaban sa pagsasarili ng Taiwan.

Ipinahayag din ng naturang mga departamento na nakahanda silang pasulungin ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito at pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

Bukod dito, ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iisa lamang ang Tsina sa daigdig, at ang Mainland at Taiwan ay nabibilang sa isang Tsina. Ito aniya ay isang saligang katibayan at komong palagay ng komunidad ng daigdig.

Sinabi pa ni Hong na kahit ano ang mangyayari sa Taiwan, palagiang igigiit ng Pamahalaang Tsino ang patakarang isang Tsina at matatag na pangangalagaan ang kabuuan ng pambasang soberanya at teritoryo nito.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>