|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono nitong Linggo, Disyembre 20, 2015, sina Chinese Foreign Minister Wang Yi at American State Secretary John Kerry hinggil sa iba't ibang isyu na kapuwa nila pinahahalagahan.
Isyu ng Taiwan at Nansha Islands
Sinabi ni Wang na bilang tugon sa mga hamong panrehiyon at pandaigdig, kinakailangan ang komong pagsisikap ng komunidad ng daigdig. Ipinagdiinan niyang sa proseso ng pakikikpagtulungan sa Tsina, kailangang igalang ng Amerika ang mga nukleong interes nito. Inulit ni Wang ang pagtutol ng panig Tsino sa kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano na magbenta ng mga sandata sa Taiwan. Inulit din niya ang pagtutol ng Tsina sa pagpasok ng eroplanong militar at bapor ng Amerika sa teritoryong pandagat at panghimpapawid sa Nansha Islands ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Kerry ang kahandaan ng Amerika na seryosohang pakitunguhan ang mga concern ng Tsina. Inulit din niya ang pananangan sa patakarang "Isang Tsina" at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Amerika na makipagpalitan ng kuru-kuro sa Tsina sa anumang isyung posibleng makaapekto sa pagtutulungang Sino-Amerikano para maipagtuloy ang tunguhin ng bilateral na kooperasyon.
Isyu ng Syria at Iran
Pinag-usapan din nina Wang at Kerry ang mga isyu ng Syria at isyu ng Iran. Kapuwa nila kinilala ang pagsisikap ng isa't isa sa pagpapasulong ng paglutas sa nasabing mga isyu. Nakahanda anila silang magkasamang pasulungin ang pagpapatupad sa bagong resolusyon ng United Nations Security Council hinggil sa paglutas sa isyu ng Syria sa paraang pulitikal. Ipinahayag din nila ang kahandaan na patuloy na pasulungin ang pagpapatupad sa komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |