|
||||||||
|
||
Sa loob ng nakaraang siglo, malala ang mga pagbabago sa usong moda para sa mga kababaihang Tsino. Ito rin ay nagpapakita ng kasaysayan ng pag-unlad ng Tsina at pagpapalitan ng kulturang Tsino at dayuhan.
Narito ang mga litrato:
1910s, katatapos lang ng paghahari ng Qing Dynasty sa Tsina, ang baro ng mga kababaihan Tsino ay may impluwensiya pa rin ng tradisyonal na ideya at moralidad. Ito ay para ipakita ang magandang katangian ng mga babae.
1920s, sinimulang gayahin ng mga kababaihang Tsino ang dayuhang istilo ng pagpapaganda. Ang mga katangian nito ay pulang-pula na lipstick at waver hair style.
1930s, ang "Shanghai Style" ay nauso sa buong bansa. Noong panahong iyon, ang Shanghai ay sentro ng pinansya, kabuhayan, at kultura ng Tsina.
1940s, noong panahon ng World War II, ang Tsina at Amerika ay magka-aliyadong bansa sa paglaban sa Hapon. Dahil dito, ginaya ng mga kababaihang Tsino ang istilo ng pagpapaganda ng Amerikano.
1950s, itinatag ng People's Republic of China at binago rin ang istandard ng kagandahan ng mga kababaihan. Ininkorahe ng lipunang Tsino ang pagpapaganda ng mga kababaihan na tulad ng mga manggagawa at magsasaka.
1960s, panahon ng pagganap ng mahalagang papel ng mga kababaihan sa mga suliraning panlipunan ng Tsina. Ang uniform ng kawal, at simpleng damit ay naging pangunahing kasuotan ng mga kababaihan para ipakita ng ideya ng pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan.
1970s, pagkatapos ng sobrang lakas na kasiglahan ng lipunang Tsino sa rebolusyon, sinimulang magmake-up muli ang mga kababaihang Tsino.
1980s, sinimulan ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas. Ang pagpapaganda ng mga kababaihang Tsino ay sumunod sa istilo na uso sa mga bansang kanluranin.
1990s, ang moda ng Hong Kong ay nakaapeto nang malaki sa kultura ng mainland ng Tsina. Ang mga kababaihan ay gumaya sa mga artistang Taga-Hong Kong.
2000s, ang istilo ng pagpapaganda ni Zhang Ziyi, artistang Tsino, ay gumanap ng malaking impluwensya sa mga kababaihang Tsino.
2010s, iba't iba ang isitilong pinipili ng kababaihang Tsino sa pagpapaganda. Pero ang uso ng Timog Korea ay nakaapekto nang malaki sa istilong ginagaya ng mga batang babae ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |