|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Police College (HKPC), idinaos ang kauna-unahan nitong "open day." Mahigit 5,000 mamamayan ang nanood ng mga pagsasanay at pagtatanghal ng kapulisan.
Larawan: Pagsasanay sa pagliligtas ng hostage ng Special Duties Unit.
Larawan: Mga kagila-gilalas na pagtatanghal.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Paul Lau, Direktor ng HKPC na inaasahan niyang mapapalalim ang kaalaman ng mga mamamayan ng Hong Kong sa mga gawain ng pulisya, sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa "open day."
Larawan: Mga mamamayang nagpakuha ng litrato kasama ng mga pulis na nakasuot ng uniform para sa iba't ibang panahon.
Larawan: Mga citizen na nagpakuha ng litrato kasama ng mga motor-vehicles ng pulisya.
Ang punong himbilan ng pulisya ng Hong Kong ay nasa Wan Chai District. Puwede ring malaman ang mas maraming kasaysayan ng pulisya ng Hong Kong sa museo ng pulisya, na matatagpuan sa tuktok ng dundok sa paligid ng nasabing punong himbilan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |