Sina Nabil al-Arabi (1st R), Pangkalahatang Kalihim ng LAS, at Xi Jinping (2nd R), Pangulong Tsino
Ayon sa Xinhua News Agency, sa kanyang pakikipagtagpo sa Cairo kahapon, Enero 21, 2016, kay Nabil al-Arabi, Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States (LAS), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-60 anibersaryo ng pagsisimula ng relasyong diplomatiko ng Tsina at mga bansang Arabe. Aniya, nitong 60 taong nakalipas, umunlad nang malaki ang relasyong SIno-Arabe, at natamo ng kooperasyong pangkaibigan ng dalawang panig ang kapansin-pansing bunga. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang relasyong pangkaibigan sa LAS. Ani Xi, inaasahan din niya ang patuloy na pagpapatingkad ng LAS ng namumunong papel sa aspekto ng pagpapasulong ng ganitong relasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Nabil al-Arabi na palagiang pumapanig at kumakatig ang Tsina sa mga umuunlad na bansa. Aniya, pinasasalamatan ng lahat ng bansang Arabe ang ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa usaping Arabe, partikular na sa usaping Palestino.
Salin: Li Feng