Sa malapit na hinaharap, dadalaw sa Punong Himpilan ng League of Arab States (LAS) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Nabil el-Araby, Pangkalahatang Kalihim ng LAS, na may mahalagang katuturang pangkasaysayan ang gagawing pagdalaw ng pangulong Tsino, at perpekto ang kasalukuyang relasyon ng mga bansang Arabe at Tsina.
Ani Araby, umaasa ang mga bansang Arabe na aktibong mapapasulong ang komprehensibong pakikipagkooperasyon sa Tsina, na kinabibilangan ng pakikisangkot sa konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative. Isiniwalat din niyang sa panahon ng pagdalaw ni Xi, tatalakayin ng kapuwa panig ang hinggil sa kung paanong ibayo pang mapapataas ang relasyon ng Tsina at LAS, at mapapalakas ang kooperasyon nila sa iba't ibang larangan. Lalagdaan din nila ang maraming Memorandum of Understading.
Hinangaan ni Araby ang ginawang mahalagang papel ng China-Arab States Cooperation Forum sa bilateral na relasyon. Binigyang-diin niyang ang naturang mekanismo ay gumagawa ng napakalaking ambag para sa pagpapataas ng lebel ng bilateral na kalakalan. Dapat isaalang-alang ang pagpapataas ng antas ng mekanismong ito sa hinaharap, dagdag pa niya.
Salin: Vera