Ayon sa ulat kahapon ng "Myanmar Times," Enero 25, 2016, ipinahayag ng panig opisyal ng Myanmar na sa fiscal year 2015-2016, bababa ng 2 bilyong dolyares ang direktang pamumuhunan ng mga dayuhang bansa sa bansang ito. Ipinalalagay ng panig opisyal ng Myanmar na ito ay dahil sa mga di-matatag na elementong dulot sa proseso ng pambansang halalan.
Kaugnay nito, tinaya ni Aung Naing Oo, Presidente ng Directorate of Investment and Company Administration (DICA) ng Myanmar, na sa fiscal year 2015-2016, aabot sa 6 na bilyong dolyares ang pamumuhunang dayuhan sa bansa. Aniya, pagkaraang maayos na mailipat ang kapangyarihan ng bansa, muling sisimulan ng mga malaking dayuhang bahay-kalakal ang pamumuhunan sa Myanmar.
Salin: Li Feng