Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas kahapon, Enero 19, 2016, ng Komisyong Elektoral ng Myanmar ang paghirang ng 366 na tauhang militar bilang mambabatas ng parliyamento sa iba't-ibang lebel.
Sa naturang 366 na mambabatas na direktang ini-nominate ng panig militar, 110 ay manunungkulan sa Mababang Kapulungan, 56 ay magiging bahagi ng Mataas na Kapulungan, at 200 naman ay mapapabilang sa parliyamento sa antas na panlalawigan.
Ayon sa konstitusyon ng Myanmar, 25% luklukan sa mga parliyamento sa iba't-ibang lebel ay dapat i-nominate ng panig militar.
Salin: Li Feng