Nagtagpo kahapon sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Tin Oo Lwin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Myanmar.
Ipinahayag ni Wang na winewelkam ng Tsina ang resulta ng pambansang halalan ng Myanmar noong nagdaang taon. Naniniwala aniya siyang isasakatuparan ang matatag na transisyon ng pamahalaan sa Myanmar.
Sinabi rin ni Wang na pinahahalagahan ng Tsina ang pagkakaibigan nila ng Myanmar, iginagalang ang pagpili ng mga mamamayan ng bansang ito, at patuloy na pasusulungin ang mga aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Tin Oo Lwin na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at nakahandang pasulungin, kasama ng panig Tsino, ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at relasyon ng Tsina at ASEAN.