Ang paper-cutting ay isa sa mga pinakasinaunang folk art sa Tsina. Sa okasyon ng kapistahan o selebrasyon, ginugupit ng mga tao ang papel at lumilikha ng iba't ibang dibuho, at idinidikit ang mga ito sa bintana, pinto, pader at parol, para mapasigla ang maligayang atmospera. Sa pamamagitan ng isang gunting at papel, maaaring ipahayag ng paper-cut art works ang magkakaibang damdamin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ayon sa Zodiac, papasok ang Tsina sa taon ng unggoy sa ika-8 ng Pebrero. Ginawa ng mga artistang Tsino ang mga paper-cut art works bilang pagsalubong sa pagsapit ng taon ng unggoy.
1 2 3