Ayon sa China News Service, isinapubliko kahapon, Enero 28, 2016, ng Pilipinas na sa taong 2015, lumaki ng 5.8% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa kumpara sa taong 2014. Ito ay mas mababa kaysa target na naunang itinakda.
Isiniwalat nang araw ring iyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na noong ika-4 na kuwarter ng 2015, lumaki ng 6.3% ang GDP ng Pilipinas kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang bahagdan ng paglaking ito ay mas malaki kumpara sa unang tatlong buwan ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng