Pagkaraang bumagal ang paglaki ng kabuhayang Pilipino noong unang hati ng kasalukuyang taon, ibinaba kamakailan ng maraming Investment Bank ang pagtaya ng bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Pilipino sa buong taon sa 6% pababa.
Noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 5.3% ang kabuhayan ng Pilipinas. Ito ay mas mababa kaysa target ng 7% hanggang 8% na naunang itinakda ng Pamahalaang Pilipino.
Nauna rito, tinaya ni Arsenio Balisacan, Kalihim ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Kabuhayang Panlipunan ng Pilipinas, na posibleng ibababa ng awtoridad ang target ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa taong ito sa 6% hanggang 6.5%.
Salin: Li Feng