Ayon sa Xinhua News Agency, ipinalabas kahapon, Enero 28, 2016, ng Ministri ng Industriya at Impormasyon ng Tsina ang datos na nagpapakitang hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 785 milyon ang bilang ng mga mobile broadband users ng buong bansa. Kabilang dito, umabot sa 386 na milyon ang bilang ng mga 4G users.
Bukod dito, hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa mahigit 1.5 bilyon ang bilang ng mga telephone users ng bansa, na kinabibilangan ng mahigit 1.3 bilyong mobile phone users.
Salin: Li Feng