|
||||||||
|
||
NAGDESISYON ang First Division ng Commission on Elections na ibasura ang apat na petisyon na humihiling na tanggalin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa talaan ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa Mayo.
Sa isang press conference, sinabi ni First Division Chairman Robert Lim na nagkaisa ang mga kasama sa kanilang tanggapan na pawalang-saysay ang apat na petisyon laban kay Duterte dahil sa kawalan ng merito.
Nilagdaan nina Commissioner Lim, Louie Tito Guia at Ma. Rowena Guanzon ang desisyon.
Kabilang sa mga petisyong ibinasura ay ang mula kay University of the Philippine Student Council Chairman John Paulo delas Nievas, brodkaster na si Ruben Castor, ang madalas na kumandidatong si Elly Pamatong at talunang kandidato sa pagkasenador na si Rizalito David, isang petitioner sa disqualification case laban kay Senador Grace Poe.
Ipinagtanong ni Nievas ang bisa at katuturan ng pagpalit ni Duterte kay dating PDP-Lakas ng Bayan presidential candidate Martin Dino. Ayon sa Comelec, ang petisyon na nagtatanong sa certificate of candidacy ni Dino ay wala na sa takdang panahon sapagkat deklarado na siyang nuisance candidate.
Ang layunin ni Dino na kumandidato sa pagkapangulo ay maliwanag kahit pa siya nagkamali. Ayon kay Commissioner Lim, maaari pang magparating ng motion for reconsideration ang apat na petitioner.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |