TUMULONG ang mga tauhan ng Estados Unidos sa Mamasapano. Ito ang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa isang talakayan kaninang umaga.
Sinabi niyang may pagtutulungan ang Pilipinas at Estados Unidos sa paglaban sa terorismo, tulad rin ng mga kasunduan nila sa ibang bansa. Tumulong ang mga Americano sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang masugpo ang international terrorists.
Ang lahat ng ito'y legal at ang naganap sa Mamasapano ay isang trahedya. Nagparating na rin ng pakikiramay ang Estados Unidos sa mga naulila sa sagupaan.
Niliwanag ni Ambassador Goldberg na ang joint special operation task force ay nanatili sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon at nagtapos na noong Mayo 2015. Napapaloob ang gawain nito sa mga itinatadhana ng Visiting Forces Agreement at tumulong sa Armed Forces of the Philippines at nagsagawa ng casualty evacuation. Bagaman, nagpapalitan pa rin ng impormasyon ang Estados Unidos at Pilipinas, nagsasanay ng mga Filipino at nagpapahiram o nagbibigay ng kagamitan sa mga tauhan ng Special Forces ng Pilipinas.
May ugnayan sa larangan ng militar at sibilyan upang masugpo ang international terrorists at ang terorismo.