Nag-usap kahapon sa telepono sina Wang Yang, Pangalawang Premyer Tsino, at Jacob J. Lew, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Inilahad ni Wang kay Lew ang kalagayan hinggil sa kabuhayang Tsino at reporma sa estrukturang pangkabuhayan. Sinabi ni Wang na may kakayahan ang kanyang bansa sa pagpapanatili ng katatagan ng exchange rate ng RMB sa balanse at makatwirang lebel.
Inilahad din ni Lew ang kalagayan ng kabuhayang Amerikano. Naniniwala aniya siyang isasakatuparan ng Tsina ang pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan at pangmatagalang katatagan ng kabuhayan.
Kapwa nila ipinahayag na pahihigpitin ang mga kooperasyon at pag-uugnayan para igarantiya ang matagumapay na pagdaraos ng G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina sa taong 2016.
Bukod dito, nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa talastasan hinggil sa kasunduan ng pamumuhunan ng dalawang bansa.