|
||||||||
|
||
Ayon sa China News Service, pormal nang naisaoperasyon kahapon, Pebrero 4, 2016, ang international flight sa pagitan ng Chongqing ng Tsina at Singapore. Ang Chian West Air ang carrier ng naturang mga flights.
Pagkaraang lagdaan ng Tsina at Singapore ang balangkas ng kasunduan para sa "Estratehikong Proyekto ng Demonstrasyon ng Konektibidad ng Tsina at Singapore," ito ang kauna-unahang naisaoperasyong proyekto ng abiyasyon ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |