Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing kahapon, Pebrero 4, 2016 kay Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC), na kasalukuyang nananatiling mainam ang tradisyonal na mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa pulitika, kabuhayan, mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at iba pa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig, sa hinaharap.
Ipinahayag naman ni Hor Namhong na buong lakas na magsisikap ang Kambodya para pasulungin ang pakikipagtulungan sa Tsina.