Idinaos sa Beijing kahapon, Pebrero 4, 2016 ang ikatlong komperensiya ng Lupong Pangkoordinasyon ng Tsina at Kambodya. Magkakasamang pinanguluhan ito nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Hor Namhong, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya.
Tinukoy ni Yang na suportado ng Tsina ang pagsisikap ng Kambodya para pasulungin ang pambansang katatagan, at ang pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para ibayo pang pasulungin sa taong ito(2016) ang nasabing pagtutulungan sa ibat-ibang larangan at antas, batay sa mga detalye ng hakbanging pangkooperasyon na narating ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Hor Namhong na patuloy na magsisikap ang Kambodya para ibayo pang mapalalim ang tradisyonal na pakikipagkaibigan sa Tsina, at mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, sa pamamagitan ng pinalakas na pagpapaplano ng nasabing lupong pangkoordinasyon.