Idinaos kahapon sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ang ika-3 diyalogo ng Pakistan, Afghanistan, Tsina at Amerika hinggil sa isyu ng Afghanistan. Buong pagkakaisang binigyang-diin ng naturang 4 na bansa na dapat itigil ang sagupaan sa bansang ito at isakatuparan ang pangmatagalang kayapaan sa paraang pulitikal.
Sa nasabing diyalogo, tinalakay ng naturang 4 na bansa ang hinggil sa pagdaraos ng direktang diyalogo sa pagitan ng pamahalaan ng Afghanistan at Taliban.
Umaasa silang idaraos ang ganitong diyalogo bago ang katapusan ng buwang ito.
Sinang-ayunan din nila ang regular na pagdaraos ng diyalogo ng naturang 4 na bansa para maigarantiya ang maayos na pag-unlad ng proseso ng kapayapaan at rekonsilyasyon sa bansang ito.