Ipinahayag kahapon ni David Cameron, Punong Ministro ng Britanya, na ang taong 2015 ay "Ginintuang Taon" ng relasyon ng Britanya at Tsina, at sa taong 2016, magiging mas maganda ang relasyong ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, idinaos sa No 10 Downing Street ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Chinese New Year. Lumahok sa resepsyon ang halos 100 kinatawan ng dalawang bansa.
Sa resepsyong ito, sinariwa ni Cameron ang mga natamong bunga ng relasyon ng Britanya at Tsina noong taong 2015.
Bukod dito, umaasa aniya siyang lalalim pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa edukasyon, kalusugan at mga isyung pandaigdig na gaya ng krisis ng Syria.