Binuksan kahapon sa Brussels ang 2-araw na Pulong ng mga Ministrong Pandepensa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). Sinabi ni Jens Stoltenberg, Secretary General ng NATO na sinang-ayunan ng mga kalahok na dagdagan ang laki ng militar sa silangang Europa.
Pangunahing paksa ng pulong ng mga ministro ang mga gagawing hakbang tungo sa pagpapalakas ng depensya ng NATO at ang pagpaksa sa mga banta.
Aniya, ibibigay ng mga military planner ang payo hinggil sa laki at komposisyon ng NATO sa panahon ng tagsibol ngayong taon.
Dahil sa krisis ng Ukraine, pinalaki na ng NATO ang sandatahang lakas sa dakong silangan ng mga bansang saklaw ng alliance.
salin:wle