"Ipagbabawal ng Iran ang paglilipad ng eroplano ng North Atlantic Treaty Organization(NATO) sa teritoryong panghimpapawid ng bansa." Ito ang katugong patakaran na muling ipinahayag kahapon ng panig militar ng Iran bilang tugon sa pagpasok kamakailan ng eroplano ng NATO sa teritoryo ng Iran.
Noong ika-2 ng kasalukuyang buwan, mapilitang inilapag ng Iran ang isang eroplanong gamit ng panig militar ng NATO, na may lulan ng 104 mataas na opisyal ng NATO at Marine Corp members ng Amerika, sa katimugan ng bansa. Pagkaraan ng walong oras na pagtigil, pinayagang lumipad at lumisan mula Iran ang naturang eroplano.
Ipinahayag ng panig militar ng Iran na lumipad ang nasabing eroplano ng NATO mula sa Afghanistan. Nagkunwari itong maging karaniwang eroplanong pampasahero habang pumasok ito sa teritoryong panghimpapawid ng Iran.