Kasalukuyang nasa Amerika si Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia. Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Malaysia, priyoridad ng 7-araw na pagdalaw ni Razak ay paglahok sa pulong ng mga lider ng ASEAN at Estados Unitos na idaraos sa Annenberg Ranch, California, Amerika.
Tatalakayin ng pulong ang mga hakbang para mapasulong ang inobasyon ng Komunidad ng ASEAN at mga isyu hinggil sa kapayapaan, kasaganaan at seguridad ng Asya-Pasipiko.
Mula noong Enero hanggang Nobyembre noong 2015, umabot sa 30.2 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Malaysia at Amerika, at ito ay lumaki nang 10.6% kumpara sa gayon ding panahon ng noong 2014. Noong 2014, ang Amerika ay naging ika-4 na pinakamalaking trade partner ng Malaysia.
salin:wle