Ayon sa Xinhua News Agency, hanggang alas-8:25 kaninang umaga, 83 katao na ang naitalang nasawi sa lindol sa katimugan ng Taiwan.
Ipinahayag ng mga tauhang panaklolo na sa kasalukuyan, nagiging mas maliit ang posibilidad ng pagliligtas sa mga nawawala. Ngunit, patuloy pa rin anilang gagawin ang search and rescue operation. Walang anumang limitasyon sa oras ng pagliligtas, anila pa.
Noong Pebrero 6, 2016, naganap ang lindol na may malakas na 6.7 sa richter scale sa katimugan ng Taiwan. Hanggang sa kasalukuyan, 41 katao pa rin ang nawawala.
Salin: Li Feng