Kaugnay ng malakas na lindol na naganap noong madaling araw ng ika-6 ng buwang ito sa dakong Timog ng Taiwan, Tsina, ipinahayag ni Zhang Zhijun, Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na matamang sinusubaybayan ng Mainland China ang nilindol na kalagayan sa Taiwan para ipagkaloob ang lahat ng mga kinakailangang tulong sa gawaing panaklolo sa Taiwan.
Inilahad niyang espesyal na ipinahayag kahapon ni Premyer Li Keqiang ang lubos na pakikiramay sa mga kababayan ng Taiwan.
Sinabi pa niyang inabuloy na ng China Red Cross Society ang 2 milyong yuan RMB na tulong na pondo sa Taiwan, China.