Ayon sa Xinhua News Agency, naganap noong Pebrero 9, 2016, ang marahas na insidente sa Mong Kok ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Ito ay nakatawag ng pansin ng mga pandaigdigang media.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Pebrero 11, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananalig at buong tatag na kumakatig ang Pamahalaang Sentral ng Tsina sa Pamahalaan at panig pulisya ng HKSAR sa pagbibigay-parusa sa mga aksyong kriminal alinsunod sa batas para mapangalagaan ang katatagan ng lipunan ng Hong Kong.
Salin: Li Feng