Matinding kinondena ngayong araw ni Leung Chun-ying, Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Tsina, ang insidente ng kaguluhan sa Mong Kok mula kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Sinabi pa niyang hinding hindi susuko ang pamahalaan ng Hong Kong laban sa ganitong aksyong labag sa batas. Buong sikap aniyang ihaharap sa batas ang mga may kagagawan.
Mula kagabi hanggang kaninang madaling araw, malubhang kaguluhan ang naganap sa pagitan ng halos 300 rioters at mga pulis sa Mong Kok. Ito ay nagresulta sa pagkasugat ng 48 pulis at mga mamamahayag.
Pagkatapos nito, naaresto ng panig pulisya ang 24 na rioters at naibalik sa normal ang kalagayan sa nasabing lugar. Ipinahayag naman ni Leung ang pangungumusta sa mga naturang nasugatan.
Sinabi niyang sinira ng mga rioters ang mga police car at kagamitang pampubliko, at sinalakay ang mga pulis.
Aniya pa, kinakatigan ng pamahalaan ng Hong Kong ang mga gawain ng panig pulisya sa pangangalaga sa kaayusang panlipunan at sistemang pambatas.