Natapos nitong Sabado, Pebrero 13, 2016, ang isang linggong bakasyon ng Chinese New Year, o Spring Festival, pinakamahalagang pestibal para sa mga mamamayang Tsino.
Bukod sa tradisyonal na selebrasyon na gaya ng pagtitipun-tipon ng pamilya at pagdadalawan ng mga kamag-anakan at kaibigan, mas maraming Tsino ang pinipiling maglakbay sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa datos, kabilang sa mga pinakamainit na tourism destination ng mga Tsino ay Hapon, Thailand, Timog Korea, Australia, Biyetnam, Singapore, Indonesia, Pilipinas, at Taiwan at Hong Kong ng Tsina.
Mga pasahero habang naghihintay ng taksi sa railway staion sa Jinan, kabisera ng Shandong Province sa dakong silangan ng Tsina. Dahil sa katapusan ng Chinese New Year, dumarami ang bilang ng mga pasahero pabalik sa trabaho. Larawang kinunan Feb 13, 2016. (Xinhua/Guo Xulei)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio