|
||||||||
|
||
Ang Spring Festival o Chinese New Year ay ang pinakamahalagang pestibal para sa mga mamamayang Tsino. Sa kasalukuyan, mas maraming Tsino ang pinipiling mamasyal sa ibayong dagat. Nakalikha rin ito ng masaganang negosyo para sa mga retailer na dayuhan.
Ayon sa Quartz, South Coast Plaza, ang highest-grossing mall ng Estados Unidos na kumita ng 1.7 bilyong dolyares noong 2015, nagsisimula ang peak season nito sa Thanksgiving at nagtatapos, sa halip ng tradisyonal na Kapaskuhan, sa pagtatapos ng Chinese New Year para pagsilbihan ang mga turistang Tsino.
Samantala, ayon sa Tourism Agency ng Hapon, noong 2015, ang pamimili ng mga turistang Tsino ay katumbas ng 40% ng halaga ng konsumo ng mga turistang dayuhan sa bansa.
Ayon sa Ctrip, isang pangunahing online travel agency ng Tsina, ngayong 2016, tinatayang aabot sa 6 na milyon ang turistang Tsino sa ibayong dagat sa bakasyon ng isang-linggong Chinese New Year na nagsimula noong Pebrero 7. Ito ay mas mataas ng 15% kumpara sa bilang noong 2015 kung kailan 5.2 milyong Tsino ang naglakbay sa labas ng bansa.
Isang flash mob na binubuo ng sandaang performer na naka-monkey costumes ang nagtatanghal sa Times Square sa Manhattan, New York bilang pagdiriwang at pagpapalaganap ng biyaya ng Chinese New Year. (Photo credit: Xinhua/Wang Lei)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |