Ang nagdaang linggo (Enero 7 hanggang 13, 2016) ay Chinese New Year o Spring Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina. Dahil dito, maraming turistang Tsino ang pumunta sa Thailand.
Ayon sa awtoridad ng turismo ng Thailand, mula noong ika-6 hanggang ika-14 ng Enero, 2016, umabot sa mahigit 1 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan na pumunta sa bansa. Ito ay mas malaki ng 19% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Samanatala, halos 30 bilyong Thai Baht ang nakuha ng bansa sa panahong ito, na mas malaki ng 32% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.