Ayon sa Health and Family Planning Commission ng Jiangxi Province sa gitnang Tsina, nakalabas na sa ospital pinalabas nitong Linggo, Pebrero 14, 2016 ang unang Zika patient ng bansa ay makaraang lubos itong mapagaling.
Kinumpirma ng Tsina ang nasabing imported Zika case noong Pebrero 9. Ang 34 na taong gulang na maysakit ay nagkaroon ng lagnat, nakaramdam ng sakit ng ulo at pagkahilo noong Enero 28 sa Venezuela bago umuwi sa Ganxiang County, Jiangxi. Dumaan siya ng Hong Kong at Shenzhen noong Pebrero 5 at naospital siya noong Pebrero 6.
Kabilang sa simtomas ng Zika virus ay lagnat, sakit ng kasukasuan, sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, rash, at conjunctivitis.
Ang Zika virus na taglay ng Aedes aegypti mosquito ay pinaghihinalaang nakakahawa sa mga tao. Pinahihinalaan ding apektado ng Zika virus ang dumaraming kaso ng microcephaly (depekto sa mga sanggol na may di-normal na maliit na ulo) sa mga bansang Latin Amerikano at Aprikano. Dahil dito, ipinatalastas ng World Health Organization (WHO) ang international health emergency.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio