|
||||||||
|
||
Sa kanilang magkasanib na pahayag, nangako ang mga pangunahing academic journals na gaya ng Nature, Science at New England Journal of Medicine, kasama ng mga funding institutions na tulad ng Bill and Melinda Gates Foundation at Wellcome Trust, at research institutes na kinabibilangan ng Chinese Academy of Sciences at U.S. National Institute of Health, na magkakapit-bisig sila para makapagkaloob ng pinakamabilis na pagbabahagi ng pinakahuling datos bilang tugon sa pandaigdig na public health emergencies na gaya ng Zika crisis.
Ito ay hakbang rin bilang tugon sa panawagan ng World Health Organization (WHO) noong Setyembre, 2015 sa iba't ibang pangunahing international stakeholders na maging global norm ang napapanahon at transparent na pagbabahagi ng datos at resulta sa panahon ng public health emergencies.
Dumarami ang kaso ng microcephaly, depekto ng sanggol na may di-normal na maliit na ulo, sa mga bansang Latin Amerikano at Aprikano. Ito ay pinaghihinalaang may kaugnayan sa Zika virus na taglay ng Aedes aegypti mosquito na humahawa sa mga tao. Dahil dito, ipinatalastas ng WHO ang international health emergency.
Isang bioanalyst na nagsusuri ng blood sample sa Salud Chacao Laboratory, Caracas, Venezuela, Feb. 10, 2016. (Photo credit: Xinhua)
Ang mga Test tube na nakatago sa Salud Chacao Laboratory, Caracas, Venezuela, Feb. 10, 2016. (Photo credit: Xinhua)
Isang nars habang kumukuha ng blood sample ng isang batang lalaki sa Salud Chacao Laboratory, Caracas, Venezuela, Feb. 10, 2016. (Photo credit: Xinhua)
Isang nars habang kumukuha ng blood sample ng isang sanggol sa Salud Chacao Laboratory, Caracas, Venezuela, Feb. 10, 2016. (Photo credit: Xinhua)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |