|
||||||||
|
||
MALUNGKOT na sinalubong ng mga kamaganak ang mga labi ng mga manggagawang nasawi sa isang sunog sa Erbil sa Kurdistan Region ng Iraq noong Sabado ng gabi.
OPISYAL NG EMBAHADA NG PILIPINAS, PINANGASIWAAN ANG PAG-UUWI NG MGA LABI NG 13 MANGGAGAWANG NASAWI. Makikita sa larawan si Filipino Charge 'd Affaires Elmer Cato na sinusuri ang basat kabaong na naglalaman ng 13 mga Filipinang nasaai sa sunod sa Kurdistan noong ika-lima ng Pebrero. Dumating na ang mga labi noong Sabado ng gabi. (Phil. Embassy Photo/Iraq)
Pawang mga kawani ng isang four-star hotel, ang Capitol Hotel, na nasunog noong nakalipas na Biyernes, ika-lima ng Pebrero, ang mga biktima. Sinisisi ang koneksyon ng kuryente sa pagkasunog ng hotel. Hindi nakahinga ang mga biktima sa kanilang pagtatangkang makatakas mula sa nasusunog na gusali.
MGA NASAWI, BINABASBASAN. Isang pari ang makikitang nagbabasbas sa mga labi ng mga nasawing manggagawang Filipino sa Iraw noong Biyernes, ika-lima sa buvant ng Pebrero. (Philippine Embassy Photo/Iraq)
Sa panayam, sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Undersecretary Manolo Quezon III na sa pagluluksa ng mga naulila, nagkaroon na rin ng wakas ang malungkot na bahagi ng insidente sapagkat naiuwi na rin ang kanilang mga labi.
MGA AMBULANSYA, NAGHATID NG MGA NASAWI SA EROPLANO. Isinakay sa 13 mga ambulansya ang mga kabaong ng mga Filipinang nasawi sa Kurdistan noong isang bingo. Anim sa mga biktima ang nasala na sa kani-kanilang mga lalawigan. (Philippine Embassy Photo/Iraq)
Maiuuwi na rin ang labi ng anim sa mga biktima sa kanilang mga lalawigan. Minamadali na rin ng Department of Foreign Affairs ang pagpapalabas ng mga benepisyo at kaukulang tulong sa mga naulila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |