|
||||||||
|
||
Nakahanda ang pamahalaang Tsino na mobilisahin ang mas maraming resources at mapabuti ang mga patakaran para i-promote ang Traditional Chinese Medicine (TCM).
Ginawa ang nasabing desisyon ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina sa katatapos na executive meeting na pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Ayon sa pulong, ang mga pribadong sektor at institusyong pang-estado ay hinihikayat na isagawa ang sulong na teknolohiya at ipagkaloob ang financial support para idebelop ang TCM. Hinihikayat din ng pulong ang mga ospital at mananaliksik na gamitin ang TCM sa panggagamot ng mga chronic disease na gaya ng cancer, diabetes at cardiovascular disease.
Ipinagdiinan din ng pulong na kailangang sundin at itugma ang pandaigdig na norma sa pananaliksik at at pagdedebelop ng TCM.
Bukod dito, bubuksan sa publiko ang pambansang database sa gamot na kinabibilangan ng impormasyon sa presyo at quality assessment.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |