Natapos kahapon, Pebrero 16, 2016, sa California, Estados Unidos, ang pulong ng mga lider ng Amerika at ASEAN. Tinalakay ng mga lider ang isyu ng kabuhayan, pulitika at seguridad.
Ayon sa magkasamang pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, pasusulungin ng dalawang panig ang mga kooperasyon sa kabuhayan, seguridad na panrehiyon at transnasyonal na kooperasyon
Kaugnay ng isyu ng seguridad ng rehiyong Asya-Pasipiko at South China Sea, ipinahayag nila ang paggalang sa nukleong katayuan ng ASEAN sa pagtatatag ng multilateral na balangkas sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Tinalakay din ng dalawang panig ang kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima.