Ayon sa ulat ng pahayagang "Golden Phoenix" ng Myanmar, isinapubliko kamakailan ng Departamento ng Pamumuhunan at Bahay-kalakal ng Myanmar ang pinakahuling datos na nagsasaad na hanggang noong Disyembre, 2015, umabot sa 25 bilyong dolyares ang kabuuang pamumuhunan ng mga bansang ASEAN sa Myanmar. Ito ay katumbas ng 42% ng kabuuang pondong dayuhan na naakit ng bansang ito.
Ayon sa datos, nitong mahigit 20 taong nakalipas sapul nang buksan ng Myanmar ang pondong dayuhan, nakaakit ang bansang ito ng 59 na bilyong dolyares.
Salin: Li Feng