Ipininid noong ika-19 ng buwang ito ang Singapore Airshow 2016. Limamputisang (51) transaksyon ang napagkasunduan doon. Ang bilang na ito ay lumaki ng 14% kumpara sa nakaraang eksibisyon noong 2014.
Karamihan sa mga transaksyon ay order ng mga eroplano komersyal sa Airbus ng Europa at Boeing Company ng Amerika. Nadagdagan din ang order ng mga leasing company ng eroplano at budget airlines.
Binuksan Pebrero 16, 2016 sa Changi Exhibition Centre, Singapore ang Singapore Airshow 2016. Ang airshow na ito ay pinakamalaking eksibisyon ng abiyasyong komersyal at pandepensa, at nilalahukan ng mga bansa ng Asya, Amerika at Europa.
Salin: Andrea