|
||||||||
|
||
Seremonya ng pagbubukas (photo credit: http://www.xmu.edu.cn/en/ )
Ang humigit-kumulang 180 unang batch ng estudyante ng Xiamen University Malaysia (XMUM) ay nagma-major sa pitong programa na kinabibilangan ng New Energy Science and Engineering, Traditional Chinese Medicine, Chinese Studies, Journalism, Accounting, Finance, at International Business.
Xiamen University Malaysia Campus(photo credit: http://www.xmu.edu.cn/en/ )
Ayon kay Zhu Chongshi, Presidente ng Xiamen University na ang XMUM ay nagkakaloob ng mga programang pang-undergraduate, pang-master at pang-PhD. Kikilalanin ng kapuwa Tsina at Malaysia ang diploma ng mga estudyante, aniya pa. Mayroon din aniyang oportunidad ang mga graduate na maghanap-buhay sa Tsina at Malaysia.
Ang Xiamen University na nakabase sa Fujian Province sa dakong timog ng Tsina ay itinatag ni Tan Kah Kee, isang Malaysian Chinese business tycoon noong 1921.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |