Idaraos sa darating na Marso ang taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, punong lehislatura ng bansa. Ayon sa mga dalubhasa, walong aspekto ang itatampok sa gaganaping pulong.
Ang 2016 ay unang taon ng ika-13 pamlimahang taong pambansang plano ng Tsina. Sa gaganaping pulong, inaasahang tatalakayin ng mga mambabatas na Tsino ang mga pangunahing punto na gaya ng pagpapasulong ng pambansang kaunlarang nakatatak sa inobasyon, koordinasyon, pagiging luntian, pagbubukas, at pagbabahaginan; pagpapanatili ng katamtaman at de-kalidad na pag-unlad ng pambansang kabuhayan; at iba pang pagpapasulong ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Kabilang sa iba pang mga tampok ng taunang sesyong plenaryo ng lehislaturang Tsino ay pagsasakatuparan ng pagpuksa sa kahirapan, reporma sa estrukturang pangkabuhayan, Belt and Road Initiative (pinaikling termino para sa land-based na Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road), pagsususog sa Charity Law, reporma sa sistemang hudisyal, pagpapasulong ng luntiang pag-unlad, at paglaban sa katiwalian.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio