Sinuri at pinagtibay Linggo, Disyembre 27, 2015 sa Ika-18 Sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) ang mosyon hinggil sa pagsusog sa Batas sa Edukasyon at Batas sa Mataas na Lebel na Edukasyon. Magkakabisa ang nasabing mga batas, mula unang araw ng Hunyo, 2016.
Ayon sa mga rebisadong batas, mapapasulong ng pamahalaang Tsino ang pagkakabalanse ng kaunlarang pang-edukasyon, mababalangkas ang istandardisasyon ng preschool education, at mapapabilis ang pagpapalaganap ng preschool education sa buong bansa, lalo na sa kanayuan.